HYPERLINK "http://missmouthshutted.weebly.com/pagsusuring-pampanitikan/pagsusuri-sa-akda-ni-pedro-s-dandan-na-may-buhay-sa-looban" PAGSUSURI SA AKDA NI PEDRO S. DANDAN NA PINAMAGATANG
MAY BUHAY SA LOOBAN


MIYEMBRO:
Lajom, John Froilan
Yu Ang, Charles Dillard

SHS - STEM 11-08
Pagsuri












Buod ng Nilalaman :
Ito ay istorya ng isang batang lalaki na lilipat na ng tirahan mula sa Looban patungong Dampalit.
Labintatlo. Ang bilang na masama sa karamihan kaya dahil sa ikalabintatlo nang agosto at labintatlo din ang edad ni Popoy ay inakala niyang may kinalaman din ito sa desisyon ng kanyang ama na lumipat sa ibang lugar.
Si Popoy ay nakaluhod sa may lilom ng puno ng niyog habang naghihintay sa pagdating ng trak na maghahakot sa kanilang mga gamit papuntang Dampalit at hinihiling na sana ay hindi ito dumating dulot ng pagkasira. Nguit nabigi ang kanyang hinihhiling. Tunay na hindi makakalimutan ni Popoy ang Looban sapagkat may hiwaga na itong dala sa kanya, ang silong ng ng kabayo ni Mang Pilo at sa may bandang likuran kung saan naroon ang kubo ni Apo, ang sampayan ni Aling Tecia at pati na rin ang anak nitong si Pentong na lagi niyang inaaway at ang mga kalaro niyang kinokonsiderang pinuno o walang gulat na hari siya sa tuwing may away o labanan sa ibang mga bata. Noong mga panahong si Popoy, ang kanyang ama at kanyang kapatid ay bumisita sa bago nilang titirahan, ang Dampalit, nanibago siya sa lugar; ang mga bahay, ang mga bata, ang mga puno at ang katahimikang bumabalot na nagpapalabo pa lalo sa kanyang isipan para tumuloy sa pagtira dito. Pinilit niyang libangin ang sarili pero bigla siyang napaisip na bibisitahin niya ng malimit ang looban upang sa ganun ay hindi siya malimutan ng mga tao dito at ng mga kaibigan niya ngunit naalala niya ang nangyari kay Lupo na kaibigan nila dati na umalis sa looban at lumipat din ng ibang lugar, na noon ay lagi din bumibisita sa looban ngunit pagdating ng isang araw ay tila parang bago na ito sa kanila kaya dahil doon ay kinalimutan na nila ito.
Ayaw ni P opoy na mangyari ito sa kanya. Dahil dito ay sinisi niya ang kanyang ama sa lahat, tanging ito lamang ang nagdesisyong lumipat dahil ang tingin nito sa Looban ay pangit, maingay, walang pagmamahalan at walang buhay. Ang ama ni Pipoy ay isang awtor kaya nahihirapan ito sa ingay ng paligid. Sinisisi din ni Popoy ang mga salita ng kanyang ama dahil ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya mainitindihan ang kanyang ama at dahilan rin nang paglayo niya sa Looban.
Ikaapat na noon ng hapon at papalamig na ang sikat ng araw. Kabilang sa mga batang nagkalat sa lansangan ang mga kalaro ni Popoy kaya doon ay ginawa na lamang niya ay niyakap ang puno ng niyog at tiningnan ang mga kaibigan niya. Sa pagtingin niya ay nakita niya agad si Lina at agad niya itong kinawayan at sinagot naman ni Lina ang kaway ni popoy sa kanya. Biglang natanaw ng mga kaibigan si Popoy. Pagsapit nila doon ay biglang dumating si Kiko na tinutukso ni Pentong at ng iba niyang kaibigan ngunit biglang pinatigil ni Popoy ang mga kaibigan niya na huwag na itong tuksuhin. Biglang may pinagawa ang mga kaibigan ni Popoy sa kanya at noong natapos ito ay tuluyan na siyang nag paalam sa kanyang mga kaibigan at tuluyan ng lumakad ang trak na sinasakyan niya at unti-unting nawala ang mga tao sa likuran niya at doon na nag simula tumulo ang maiinit na butil ng luha. Hindi niya madalumat kung paano nakakilala ng luhang ang walang gulat na "Hari" ng looban.
Setting/Tagpuan :
Nangyari ang karamihan sa eksena sa Looban. Mayroon ding ilang eksenang makikita sa Dampalit
Participants/ Kalahok:

Ends/Layunin:

Act sequence / Pagkakasunod-sunod ng pangyayari:

Key/ Paraan na ginamit

Norms / Paksa ng usapan
Ang paksa ng usapan ay pampersonal na karanasan ni Popoy at ang paglipat nito ng tirahan. Kapansin-pansin ang pangingibabaw ng mga paksang umiikot sa memorya, pagkakaibigan at pagkakakilanlan sa isa't isa.
Genre/ Uri ng pagpapahay ag
Ang uri ng pagpapahayag ay naratibo at deskreptibo.
Reaksyon
Ang isang lugar na napamahal na sa iyo ay hinding hindi mo makakalimutan. Oo, hindi ito gaanong kaaya-aya sa paningin nang iba, hindi man ito kagandahan para tirhan ng karamiman, sangkot man ito sa