Dahilan ng Kahirapan: Tao o Gobyerno

Ano ang kahirapan? Bakit may mga mahihirap? Sino ba ang may kasalanan kung bakit may mahihirap? Ilan lamang iyan sa mga katanungan na sumasagi sa ating mga isipan kapag naririnig natin ang salitang "kahirapan".
Ang kahirpan ay isang paksyon o komunidad na binubuo ng mga tao na kapos sa kanilang mga pangangailangan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA noong April 16, 2016 ay umaabot ng 12.1% o 12.18 milyong Pilipino ang nakakaranas ng kahirapan sa ating bansa. Sila din ang mga taong madalas na tinutulungan ng gobyerno upang guminhawa ang kanilang buhay. May mga mahihirap na nagiging mayaman dahil sa kanilang pasyon at pagsisikap at may mga mahihirap na nananatiling mahirap pa rin hanggang sa kanilang huling hininga.
Bakit ba silang nananatiling mahirap? Dahil ba hindi sila tinutulungan ng gobyerno o dahil ang mga taong ito ay umaasa nalang sa tulong ng gobyerno? Kung titingnan natin sa dalawang panig na ito, pareho silang may pagkukulang. Bakit? Una, tumutulong naman ang gobyerno, pero kung titingnan natin ang kanilang ginagawa parang kalokohan lng ang kanilang pagtulong dahil binabawi naman ito sa pagtaas ng singil sa ibang pangngailangan ng tao. Malamang naapektuhan din nito ang mga mahihirap. Pangalawa, yung ibang mahihirap ay masyadong umaasa sa mga tulong pinansiyal mula sa pamahalaan. Minsan sila pa ang magagalit kapag hindi sila nakatanggap ng tulong o kung kulang ang ibinibigay sa kanila. Marami ding ibang prayoridad ang pamahalaan at hindi lang sila. Minsan mali din ang ginagawang hakbang ng mga mahihirap upang makaalis lamang sa kahirapan tulad ng pagnanakaw. Sa mga puntong ito nakikita natin ang kanilang mga pagkakamali.
Kailangan natin tulungan ang ating mga sarili kung gusto nating makausad sa paghihirap na ating nararanasan. Hindi ka aangat kung mismo ang kasama mo ay ayaw gumalaw, dahil kung ganito lang din ang mangyayari sa gobyerno at mga mahihirap, sayang lang ang lahat ng ginagawa nilang pagtulong upang mapaginhawa lang ang kanilang mga buhay. Hindi matatapos ang isyung ito kung ganito lang ang mangyayari. Mananatili itong malaking isyu hanggang sa mga susunod na henerayon. Kaya ngayon, kapit-kamay nating kalabanin ang kahirapan. Simulan natin ngayon.